15

Feb 23, 2021 @ 20:08
By

Ilang parak ayaw magpaturok ng COVID-19 vaccine – opisyal

Tatlo sa sampung kawani ng Philippine National Police (PNP) ang nag-aalinlangang mabakunahan kontra COVID-19 ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Lieutenant General Guillermo Eleazar.

“Out of the 219,130 personnel, ito pa ‘yung hesisant magpabakuna, 65,434, which 29.86%,” wika ni Eleazar sa isang press conference kahapon.

Aniya, 153, 696 o 70.14% naman sa PNP ang willing mabakunahan kontra COVID-19.

“Meaning na-raise na po namin ‘yung 70% na gustong pagpabakuna. At kung ibabawas natin ‘yun sa total personnel natin, we have 153, 696 na willing na magpabakuna, which is 70.14%,” dagdag pa niya.

Umaasa naman si Eleazar na tataas pa ang bilang ng mga kawani ng PNP na magiging kumpiyansa sa COVID-19 vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?