12
3x
By

Ilang pagbabago ilalarga sa UAAP Season 81

Sharing is caring!

May mga pagbabagong gagawin ang National University sa UAAP sports calendar sa pag-host nila sa Season 81 sa September.

Ayon kay incoming Season 81 Board of Managing Directors President Nilo Ocampo, may mga second semester event ang ilalaro sa first semester.

“Like athletics, fencing and chess. Second semester siya ngayon eh. May request ang other board members na puwedeng i-move sa first semester. There are too many events in the second semester. Gusto nila ilagay ang ibang events sa first semester para equally distributed,” saad ni Ocampo matapos ang closing ceremony noong Miyerkules ng gabi sa Far Eastern University Auditorium.

Idinagdag ni Ocampo na ang 3×3 basketball ay magpapatuloy matapos ang matagumpay na pagsagawa bilang demonstration event nakaraang season. “3×3 was successful. We will try to continue what FEU did,” ani Ocampo.

Para sa special events, sinabi ni Ocampo na ibabalik din nila ang ballroom dancing kasama ang streetdance competition sa seniors at juniors.

Tentative ang opening ng Season 81 sa Setyembre 8 na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?