39

By

Ilang opisyal ng POEA, sangkot sa illegal recruitment – DOLE

Sharing is caring!

Sasailalim sa malawakang balasahan ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para matugunan ang mga ulat na may ilang opisyal at empleyado ng ahensya ang sangkot umano sa illegal recruitment at iba pang anomalya.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Dominador Say, iniimbestigahan na nila ang mga ulat tungkol sa pambibiktima ng mga illegal recruiter sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at mga direct hire na manggagawa.

Nauna nang nagpatupad ang DOLE ng balasahan sa POEA noong Enero, pero ang ipatutupad na revamp sa mga susunod na araw ay mas magiging malawak.

“Last January, nagkaroon ng reshuffle sa mga senior officials sa POEA. But now, this is a more in-depth reshuffling and revamp. We are doing this top to bottom and there will be some officials who will be removed from their posts while they undergo investigation,” paliwanag ni Say.

Kasama umano sa maaapektuhan ng balasahan ay ang mga opisyal at empleyado sa POEA na direktang may partisipasyon sa pagproseso ng mga dokumento ng OFW.

Maging ang lahat ng security guard at janitorial staff sa POEA ay papalitan din dahil sa ulat na marami sa kanila ay ginagamit din sa mga anomalya sa pagproseso at pagpapalabas ng Overseas Employment Certificates (OEC) na isa sa mahahalagang requirement para sa deployment ng OFW. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }