23,544

By

Ilang opisyal ng LGUs umatras sa pagsuporta sa Otso Diretso dahil sa narco-list

Itinuturong dahilan ng mga kandidato sa pagka-senador ng oposisyon sa pagsasara sa kanila ng pinto ng ilang mga lokal na opisyal ang inilabas na narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang nagkakaisang pahayag nina Marawi City civic leader Samira Gutoc, dating solicitor general Florin Hilbay, dating Deputy Speaker Erin Tañada at Magdalo Rep. Gary Alejano hinggil sa kawalan nila ng suporta mula sa mga lokal na opisyal sa kanilang mga campaign sortie.

Anila, ayaw umano kasi ng mga local official na mailista sila sa narco-list at ayaw masira ang kanilang Internal Revenue Allotment.

Duda naman si Tañada sa timing ng paglalabas ng narco-list na nagpapakita na lumalakas sila maski walang suporta sa mga local government official.

Pero depensa ni Alejano, mayroon pa rin namang local government officials ang sumusuporta sa kanila nang palihim.

Alam umano ng mga ito tinatakot lang sila.

Noong nakaraang linggo nang ianunsiyo ng Pangulo ang mga politikong sangkot sa iligal na droga na karamihan halos ay mga alkalde at bise-alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?