92

Apr 18, 2021 @ 20:31
By

Ilang netizen nainis: Ogie, Regine bakunado na kontra COVID

May proteksyon na ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez laban sa COVID-19.

Sa Facebook post ng OPM hitmaker, sinabi nito na nagpabakuna na silang mag-asawa dahil sila’y may co-morbidity.

“Kaming mag-asawa ay may comomorbidity kaya nakakuha po kami sa qc ng slot at kami ay napabakunahan na,” saad ni Ogie.

Makikita rin sa larawan ang pagtuturok ng bakuna sa dalawang mang-aawit.

Ngunit hindi naman natuwa ang ilang netizen dahil nakapagpabakuna na ang dalawang OPM artist, at sinabing national government daw dapat ang pasalamatan at hindi ang local government ng Quezon City.

Sey ni Irene Ballatan, “How about also thanking the national gov’t cause they’re the one who procured the vaccines? Isa lang ang QC LGU sa mga tumanggap ng vaccines at sinunod ang directive galing sa national govt to distribute it among their locals.”

Banat naman ni Ron Amion Navarro, “Sir bakit parang ang hirap sayong pasalamatan ang National Government na siyang nag procured ng vaccine na yan?”

Posted by Ogie Alcasid on Saturday, April 17, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?