81

Feb 28, 2020 @ 19:16
By

Ilang netizen kinuwestiyon ang pagsibak ng 300 emplyedo ng PAL

Ilang netizen ang napatanong sa biglaang pagtanggal ng nasa 300 empleyado ng Philippine Airlines (PAL) dahil sa kalugiang dinanas noong 2019, kasabay pa ang banta ng coronavirus outbreak.

Ayon sa statement ng PAL, ang pagsibak sa 300 empleyado ay kailangan lalo’t sa ilalim ng batas ay hindi nila mapupwersa ang mga staff na mag-leave ng walang bayad sa kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19.

“Philippine Airlines is pursuing business restructuring to increase revenues and reduce costs. The streamlining will strengthen the company in the wake of losses sustained in 2019, aggravated by the ongoing travel restrictions and flight suspensions to areas affected by COVID-19,” ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna.

Nasa P8-billion ang lugi ng PAL sa unang siyam na buwan noong 2019, habang P3.5 billion naman noong 2018.

Ang mga natanggal na empleyado, ayon kay Villaluna, ay sasailalim sa voluntary separation initiative para sa mga matatagal na sa kanilang kompanya.

Samantala, ilang netizen naman ang hindi kumbinsido sa dahilan ng PAL, na isang dating empleyado ang nagsabi na nagkaroon na rin ng layoff noong nakaraang taon at isa siya sa natanggal.

“Every year ha… kaka-one year lang namen from retrenchment .. meron nanaman this year,” saad ni Grace Pacifico.

Samantala, saad ng isang netizen sa Twitter na sana’y mga top executive na lang ng PAL ang nagbawas ng sweldo para hindi mawalan ng trabaho ang nasa 300 empleyado.

“Why don’t their executives take a pay cut instead?” sey ni @titanimarklee.

Noong 2015 ay nagtanggal din ang PAL ng nasa 117 empleyado, na dahilan ay business restructuring.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?