27

By

Ilang miyembro ng PDP-Laban gustong magpa-ampon sa NP – Villar

Sharing is caring!

Ibinisto ni Senadora Cynthia Villar na ilang kasapi ng PDP-Laban ang lumilipat sa kanila sa Nacionalista Party (NP).

Ang kaniyang mister na si dating Senate President Manny Villar ang national chairman ng partido.

Ayon sa senado, may mga nanggagaling sa iba’t ibang partido rin ang nag-aaplay na makapasok sa NP.

“Meron na (mula sa PDP Laban na gustong mag-NP). Pero yung iba, independent, sari-sari,” sabi ng senadora.

Idiniin naman na hindi nang-iimbita o nang-eengganyo ang NP Ng mga bagong myembro.

“Ayaw naman naming mag recruit. Kung gusto nila mag-apply sila kasi gusto namin yung sasali yung gusto talaga, hindi yung na-salestalk sila. Titingnan namin. Kung wala namang conflict, tatanggapin namin,” dagdag ni Villar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?