119

Jan 28, 2021 @ 12:23
By

Ilang MGCQ areas ibabalik sa GCQ

Kinumpirma ng Palasyo na sa Pebrero, hihigpitan ang quarantine status ng ilang lugar na nakasailalim ngayon sa modified general community quarantine (MGCQ).

Gayunman, sabi ni presidential spokesperson Harry Roque, Huwebes, hindi niya pa pwedeng tukuyin kung anong mga lugar ang isasailalim sa GCQ.

“Napakahirap po kasi magsalita kasi talagang nirereserba natin kay Presidente yung desisyon,” wika ni Roque sa Teleradyo.

“Ang importante po sa ganitong punto ay ikumpirma na may mga lugar tayo na magkakaroon ng escalation po from MGCQ, magiging GCQ,” lahad niya pa.

Una nang inendorso ng DOH ang paghihigpit ng quarantine status sa Cordillera Administrative Region, na sumisirit ang mga kaso ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?