AFP PHILIPPINES PROMOTE OFFICIALS
By

Ilang mataas na opisyal, commanders ng AFP na-promote

Sharing is caring!

Tumaas pa ang ranggo ng ilang matataas na opisyal at area commanders ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang sa mga ito sina Major General Paul Atal, commander ng AFP Central Command, na na-promote sa ranggong Lieutenant General.

Na-promote rin sa 3-star rank si Major General Danilo Pamonag, commander ng Southern Luzon Command.

Tumaas din sa Major General ang ranggo nina Brigadier General Fernando Trinidad, Deputy Chief of Staff for Intelligence, J2; Brigadier General Rene Glen Paje, Deputy Chief of Staff for Civil-Military Operations, J7; at Brigadier General Jose Antonio Carlos Motril, hepe ng AFP Human Rights Office.

Ang pinuno naman ng Headquarters Academics Group, Philippine Military Academy na si Colonel Joseph Villanueva, ay na-promote sa ranggong Brigadier General.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-apruba ng promosyon ng mga ito.

Sinabi naman ni AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, ang pagtataas ng ranggo ng mga senior officer ay isang patunay na ang pagiging masipag sa trabaho, pagsasakripisyo para sa trabaho at leadership skills ay nabibigyan ng gantimpala.

“The promotion to the next higher rank as General of these senior officers of the AFP is both a testimony and an inspiration that hard work and innumerable sacrifices, sterling competence, and leadership skills acquired through years of experience are rewarded,” sabi ni Arevalo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?