58
views
ping-lacson
By

Ilang mambabatas nagpasasa sa pork barrel – Lacson

Sharing is caring!

Kahit ibinawal na ng Korte Suprema ang pork barrel, may ilang mambabatas pa rin umano ang nagpasasa rito sa loob ng dalawang taon ng Duterte administration.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, may piling senador at kongresista na daan-daang milyong piso ang nakuhang pork barrel.

Idinaan ito sa “insertions” o pagsisingit ng pondo sa pantaunang badyet ng mga ahensya ng gobyerno na inilalatag sa General Appropriations Act, ang batas ukol sa national budget.

Kaugnay nito, hiniling ni Lacson kay Duterte na gamitin ang impluwensya nito sa Kongreso upang maipatupad na nang totohanan ang pagbabawal sa pork barrel.

Ganitong impluwensya rin ng Pangulo sa Kongreso ang iginiit ni Lacson na gamitin para mapapaamyendahan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law dahil pinasukan umano ng vested interest ng ilang senador at kongresista.

“On the expenditure side, a.ka. the General Appropriations Act, the same influence is suggested to minimize wastage of the government’s hard-earned resources by strictly adhering to the existing jurisprudence outlawing pork barrel, which is still evident among selected members of Congress, a few of whom enjoyed as high as nine-figure insertions during the last two budget years under the Duterte administration,” ani Lacson. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?