3,467

By

Ilang lyrics ng ‘Lupang Hinirang’ gustong palitan ni Sotto

Sharing is caring!

Iminungkahi ni Senate President Tito Sotto na palitan ang linya ng Lupang Hinirang na “aming ligaya ‘pag may mang-aapi ang mamatay nang dahil sa ‘yo.”

Agad na pag-amin aniya ito ng pagkatalo sa laban.

“Masyadong defeatist eh,” ayon kay Sotto.

Iminungkahi na pag-aralan na palitan ito ng mga katagang “pang may mang-aapi ang ipaglaban kalayaan mo.”

Ginawa ang mungkahi sa gitna ng pagtatanggol ni Senador Richard Gordon sa panukalang batas nito na nagpapadagdag ng isang sinag sa araw sa watawat ng bansa.

Agad na inayunan ni Gordon ang suhestiyon ni Sotto.

Si Sotto ay kilalang kompositor ng mga kanta, bukod sa pagiging komedyante, bago naging pulitiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?