8

Sep 28, 2020 @ 14:25
By

Ilang lungsod sa Metro Manila puwede na sa MGCQ – Palasyo

Kuwalipikado nang ibaba sa modified general community quarantine (MGCQ) status sa Oktubre ang ilang siyudad sa Metro Manila, ayon sa Malacañang.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng mahirap itong gawin dahil isang geographical unit ang nabanggit na rehiyon.

“Sa data po ng IATF, lumabas na may ilang mga siyudad sa Metro Manila na pupuwede na sanang mag-MGCQ,” pahayag ni Roque sa panayam sa Teleradyo.

Hindi niya tinukoy ang mga lungsod na kanyang pinatutungkulang maaari nang mag-MGCQ.

“Kaya lang napakahirap naman pong mag-MGCQ sa ilang siyudad lamang dahil alam naman po natin na ang Metro Manila ay iisang geographic unit. So kinakailangan, bumoto rin po ang mga mayor na kinakailangan isa lang ang classification ng buong Metro Manila at hindi hiwa-hiwalay,” dagdag niya.

Hanggang September 30 ay nakasailalim sa general community quarantine ang Metro Manila, Bulacan, Batangas at Tacloban City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?