37

May 14, 2020 @ 15:46
By

Ilang lugar sa 5 QC brgy, pasok sa ‘special concern lockdown’

Dahil sa mataas na bilang ng coronavirus doon, isasailalim sa “special concern lockdown” ang 20 piling lugar sa 5 barangay sa Quezon City.

Sa panahong ito ay magsasagawa sila ng pinatinding mass testing at monitoring sa mga lugar, ayon kay Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit head Dr. Rolly Cruz.

Ang mga lugar sa 5 barangay–ang Bahay Toro, Culiat, Sauyo, Batasan Hills, at Tatalon–ay sasailalim sa lockdown mula Mayo 13 hanggang Mayo 26.

Pinili umano ng City Health Department itong 20 lugar base sa mga resulta ng kanilang community-based testing, wika naman ni assistant city administrator for operations Alberto Kimpo sa isang ulat.

Sa datos ng city government, may naitalang 21 COVID-19 case sa Bahay Toro, 37 sa Culiat, 19 sa Sauyo, 29 sa Batasan Hills, at 17 sa Tatalon.

https://www.facebook.com/QCGov/photos/a.115185079869258/276871407033957/?type=3&__xts__%5B0%5D=68.ARA-7ogTDx63WLGztsSYyiktaMysy9b2EsTuubOquEUEH3WyNxQsR1PmaGcrDLKQQngoykBDhlrWukAC8qouK0jwAM6K2D5NPawpig-Qlg5cmyyYQUO2U69Hamvgjq00y-W4la1ciIqmMVA7d6rt3MIHrNGaVnobhbq6hK0qFufWIghtjdLAY3VkA23HNP17bZkTEzk9tJvgC82cogxXb8KUkjvhNxpA4PqM8qbsplNXduEecby2ktXHq-1dM_An4jouJRSLl2ccjcS9uHbtn-w–j2M9TL_HZWvd1Px1lHmuVvpiQ2dRFDEf7HhlMRMLrvYVVkYiwR6xVrSptrY4-M&__tn__=-R

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?