By

Ilang LGUs kakasuhan ng PNP dahil sa kawalan ng BADAC

Sharing is caring!

Ipa-prayoridad ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kaso laban sa ilang lokal na pamahalaan na nakakasakop sa 12 libong barangay na natukoy na hindi bumuo ng Barangay Anti Drug Abuse Council (BADAC).

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, dereliction of duty ang posibleng kaharapin ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na mapapatunayan na nagpabaya sa

kaniyang mga nasasakupan.

Iginiit ni Dela Rosa na may pondo ang bawat BADAC pero hindi ito ginawa ng 12,000 barangay sa bansa na karamihan ay nasa Mindanao kaya dapat makuwestiyon kung saan napunta ang pondo.

Aniya, importanteng gumagana ang BADAC ng isang barangay dahil nakatutulong ito para mabawasan ang drug transactions sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?