31

May 31, 2021 @ 18:02
By

Ilang kustomer ng Manila Water, mawawalan ng tubig

Makakaranas ng hanggang 10 oras na pagkaantala ng supply ng tubig ang ilang mga concessionaire ng Manila Water sa Miyerkules.

Ayon sa Manila Water, ang pagkawala ng supply ng tubig ay dahil sa ilang maintenance works na kanilang isasagawa.

Nasa 110,355 na mga kabahayan, at establisyimento mula sa halos 39 barangay sa Metro Manila ang maaapektuhan ng kawalan ng supply ng tubig.

Ito ay magsisimula dakong alas-11:00 p.m. sa Miyerkules, Hunyo 2 hanggang alas-9:00 a.m. ng umaga ng Huwebes, Hunyo 3.

Pinaghahanda na ng Manila Water ang kanilang mga concessionaire sa ilang bahagi ng Mandaluyong, Pasig, Quezon City, at San Juan, na siyang makakaranas ng pagkaantala ng supply.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?