114

Feb 22, 2018 @ 10:52
By

Ilang kuliglig na walang permit sa Maynila, na-impound

Bilang bahagi ng pagsasaayos ng trapiko sa lungsod ng Maynila ay sinita ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang aabot sa 50 kuliglig pasado alas-11:00 kagabi.

Sa pagbaba ng Jones Bridge sa Binondo, Manila, inabangan ng mga tauhan ng MTPB ang mga kuliglig na walang permit na karamihan ay nagde-deliver ng mga gulay sa palengke.

Sinabi ni Maximo Yabut, operations team leader, kapag walang permit na naipakita sa kanila ang mga driver ay mai-impound ang kanilang kuliglig at kapag mayroon naman ay makakaalis na rin sila kaagad.

Ang isa sa mga nagmamaneho ng kuliglig na si Ericson Amaro, sinabing nahihirapan siya na kumuha ng permit sa Manila City Hall.

Ang isa naman sa mga nasita, nakaalis din matapos makitang nasa master list ng may permit ang pangalan ng driver.

Sa kabuuan, pitong kuliglig ang na-impound dahil sa kawalan ng permit kung saan P1,000 ang multa para tubusin ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?