29

Apr 13, 2020 @ 14:44
By

Ilang kawani, COVID-19 positive: Ospital sa QC idi-disinfect

Sasailalim sa thorough disinfection ang isang ospital sa Batasan Road, Quezon City matapos magpositibo sa new coronavirus disease ang ilan nitong empleyado.

Ayon kay officer-in-charge Dr. Maria Rosela Espinar kahapon, ikakasa ang wall-to-wall disinfection sa mga critical area ng Rosario Maclang Bautista General Hospital (RMBGH), kabilang ang mga ward, emergency room, at admitting area.

Sumailalim na rin anila sa self-quarantine ang mga RMBGH frontliner na nakasalamuha ng mga COVID-19 positive nilang kawani.

Inabisuhan din nilang sa Quezon City General Hospital at Novaliches District Hospital na lang pumunta pansamantala ang mga residente para sa mga outpatient operations at iba pang medical needs.

“We would like to assure the public that areas where patients are located are safe and will continue with its regular operations,” hayag ni Espinar.

“We are leaving no stone unturned in ensuring the general welfare of patients, health workers and the perimeter community,” sambit pa niya.

Sa datos noong Sabado, 764 katao na ang COVID-19 positive sa QC. Kabilang dito ang 45 na gumaling at 60 pumanaw mula sa nasabing sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?