160

May 14, 2019 @ 12:12

Ilang kandidato ng Otso Diretso tanggap na ang pagkatalo

Nagconcede na ang ilang kandidato ng opposition slate na Otso Diretso.

“I would like to concede and congratulate all those who won the elections. Alam namin na pumasok kami sa laban na ito ng walang kasiguraduhan na mananalo. Alam namin na babangga kami sa malaking pader pero alam namin na may kailangan tumayo at lumaban,” saad ni Erin Tañada.

Nirerespeto naman umano ni Pilo Hilbay ang desisyon ng taumbayan kaya binabati niya ang mga nanalo kalakip ng hiling na pagsilbihan nawa ng mga ito nang tama ang bayan.

“The will of the people is supreme, so we respect the results of the elections. Congratulations to all the winners, may you serve the country well,” aniya.

“This is not the result we hoped for, but it is the reality that we have to face with optimism that we will have better days. In the words of Gabriel García Márquez, “There’s always something left to love,” dagdag ni Hilbay.

Samantala halu-halo man ang nararamdaman ni Samira Gutoc sa kaniyang pagcoconcede ay nanatili umanong ang laban nina Bam Aquino at Mar Roxas na malapit ang mga pwesto sa Magic 12 ay magpapatuloy.

“It is with mixed feelings that I concede the senatorial race to those who won the vote of the people. But the battle of Bam and the battle of Mar is our battle,” aniya.

(Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?