190

Dec 17, 2017 @ 18:57
By

Ilang kalsada sa mga rehiyon na tinamaan ni Urduja, ‘di madaanan

Labing siyam na mga road section at dalawang tulay sa Region 5, 8 at CARAGA ang hindi madaanan dahil sa epekto ng Bagyong Urduja.

Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa Region 5 ay hindi madaanan ng mga motorista ang Bulan Municipal Road-Tarimaga Spillway sa Sorsogon matapos itong mapinsala ng malakas na pag-ulan.

Hindi naman madaanan dahil sa pagbaha ang ilang bahagi ng Wright-Taft-Borongon Road sa Eastern Samar gayundin ang ilang bahagi ng Calbayog-Catarman Road at ilang bahagi ng Daang Maharlika sa Samar.

Dahil din sa baha kaya sarado sa mga motorista ang ilang bahagi ng Catarman-Lope de Vega Road; Catarman-Calbayod Road sa Barangay Washington sa Catarman; at Catarman-Laoang Road sa Sitio Palanas, Barangay Cablangan sa Northern Samar, pati na ang Santol-Carayray Section-Approach Taghawili Bridge na bahagi ng Mainit-San Miguel-Santol Road sa Leyte.

Apektado rin ng baha ang isang bahagi ng Lapaz-Javier-Bito Road; ilang bahagi ng Sto. Rosario-Villaba Road; gayundin ang Libungan-Matagob-Palompon Road, Kananga-Tungonan Hot Spring Road at Palompon-Isabel Merida-Ormoc Road na pawang nasa lalawigan ng Leyte.

Nakaranas naman ng pagguho ng mga bato at lupa ang ilang bahagi ng Daang Maharlika sa Calbayog City, at bahagi ng Daang Maharlika sa Southern Leyte.

Nagsasagawa na ang DPWH ng clearing operations sa mga lugar na naapektuhan ng landslide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?