0
views

By

Ilang kalsada sa Maynila sarado sa INC event

Sharing is caring!

Hindi makakadaan ang mga motorista sa ilang bahagi ng Maynila nitong weekend para sa dalawang araw na aktibidad ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Inaasahang 200,000 na mga miyembro ang dadalo sa “Worldwide Aid to Fight Poverty” project ng INC sa Rizal Park.

Simula bukas (Hulyo 14) ng alas-sais ng gabi, sarado na ang Katigbak Drive, South Drive at Independence Road.

Sa Linggo naman (Hulyo 15), alas-12:01 pa lang ng hatinggabi ay sarado na ang mga sumusunod na kalsada:

· Road 10, mula Moriones Street hanggang Delpan Bridge

· Bonifacio Drive, mula Delpan Bridge hanggang Katigbak Drive

· Roxas Boulevard, mula Katigbak hanggang P. Ocampo Street

· P. Burgos Street (parehong lanes), mula Lagusnilad Underpass hanggang Roxas Boulevard

· Finance Road, mula Taft Avenue hanggang P. Burgos

· T.M. Kalaw Street (westbound) mula M.H. Del Pilar Street hanggang Roxas Boulevard

· Quirino Avenue (westbound) mula M.H. del Pilar hanggang Roxas Boulevard

Naglabas naman ng alternatibong ruta para sa mga motorista ang Metropolitan Manila Development Authority:

Ang lahat ng sasakyan sa southbound lane ng Road 10 ay dapat kumaliwa sa Moriones Street hanggang sa point of destination.

Lahat naman ng sasakyan na mula Pasay at gagamit ng northbound lane ng Roxas Boulevard ay dapat kumanan sa P. Ocampo Street o Roxas Boulevard Service Road patungo sa destinasyon.

Samantala, lahat ng sasakyan na magmumula sa Quezon, McArthur at Jones bridges na dadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard ay dapat dumiretso sa Taft Avenue patungong destinasyon.

Ang mga sasakyan naman na mula sa Ayala Bridge ay maaaring kumaliwa o kumanan sa Taft Avenue patungong destinasyon habang ang mga trak ay dapat dumaan sa Osmeña Highway hanggang Quirino Avenue patungong Nagtahan via A.H. Lacson to Yuseco, Capulong Streets at Road 10, at vice versa. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?