151

Oct 30, 2017 @ 16:24

Ilang kalsada sa Makati, sarado ngayong Undas

Simula kaninang hatinggabi hanggang sa Huwebes ay sarado na ang ilang kalsada sa Makati City kaugnay sa pagpapatupad ng Oplan Kaluluwa 2017.

Ayon sa Makati – Public Safety Department ang mga saradong kalsada ay ang Kalayaan Avenue mula Zapote – N. Garcia; South Avenue mula Metropolitan hanggang JP Rizal; Vito Cruz mula South Avenue hanggang Zapote at Pililia St., mula JP Rizal hanggang Kalayaan.

Magpapatupad din ng re-routing sa mga magmumula ng Guadalupe patungong Maynila vice versa; Ayala Ave., patungong Circuit City; mula Zapote papuntang Ayala Avenue; EDSA/Jupiter papuntang Vito Cruz; mula Mandaluyong City patungong Ayala at mula Kamagong / Jupiter patungong Ayala.

Dagdag pa sa abiso, asahan na ng mga motorista ang mabigat na daloy ng mga sasakyan sa mga kalsada sa paligid ng Manila South Cemetery. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?