57

Jul 22, 2021 @ 16:34
By

Ilang kababaihan, suportado si Robredo

Isang grupo ng kababaihan ang ilulunsad upang himukin si Vice President Leni Robredo na tumakbo bilang pangulo sa 2022.

Sa Sabado balak buksan ang grupong Women for Leni sa isang virtual meeting na pinamagatang Kababaihan, Magkaisa.

Ayon sa spokesperson ng Women for Leni na si Bans Alqaseer, ang Women for Leni ay bubuoin ng mga kababaihan mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na naniniwalang si Robredo ang kailangan maging pangulo sapagkat nauunawaan niya ang pinaglalaban ng kababaihan.

“Wala kaming nakikitang ibang kandidato na maaaring magsulong ng karapatan at kapakanan ng kababaihan kundi si VP Leni lang,” pahayag ni Alqaseer.

“Women play a huge part in society, especially during this pandemic as they make up majority of healthcare workers putting their lives at stake in the frontlines. Women for Leni continues to demand for executive leadership that addresses the diverse needs of Filipino women,” dagdag pa ni Alqaseer.

Sa Facebook page ng Women for Leni ipapalabas ng live ang kanilang launching.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?