44

Jul 17, 2018 @ 10:40
By

Ilang flights kanselado dahil sa masamang panahon

Inanunsiyo ng airport authorities ang suspensiyon ng ilang biyahe sa himpapawid ngayong Martes, Hulyo 17 dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang mga sumusunod na flights ang kanselado:

Cebu Pacific Air:

5J 513: Manila-San Jose, Mindoro

5J 514: San Jose, Mindoro-Manila

Samantala, batay sa 5:00 am weather update ng PAGASA, nag-landfall na sa Dalupiri Island sa Cagayan ang bagyong Henry at tinatahak na ang karagatan ng Pilipinas.

May dala itong lakas ng hangin na 60 kph at pagbugsong 75 kph.

Inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ngayong araw ang bagyong Henry. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?