156

Dec 14, 2019 @ 13:15
By

Ilang flight kanselado: Eroplanong pa-Japan, lumampas sa NAIA runway

Hindi nakalipad ang isang eroplano na patungo sana sa Japan mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos itong lumampas sa runway, Sabado ng umaga, Disyembre 14.

Ayon sa inilabas na statement ng Manila International Airport Authority (MIAA), sumobra umano ang pagliko ng Jetstar Asia flight GK40 dahilan para lumampas ang front at right landing gear nito sa safety area ng runway bandang alas-2:32 ng madaling-araw.

Ligtas naman ang lahat ng 140 pasahero nito at nakabalik na sa NAIA Terminal 1.

“As of this time, the aircraft is now out of the grassy area and being prepared for towing to a nearby aircraft maintenance center. Simultaneous clearing of the runway and repair of damaged runway lights are now in progress. We hope to resume operations soon,” ayon kay Miaa general manager Ed Monreal.

Samantala, nilipat muna ang tatlong flight na lalapag sana sa NAIA patungong Clark International Airport sa Pampanga. Ito ay ang:

Cebu Pacific flight 5J269 mula Xiamen

Cebu Pacific flight 5J580 mula Cebu

Air Asia flight Z2889 mula Seoul

Kanselado rin ang ilang flight dahil sa aberya na idinulot ng Japan-bound plane:
5J488 Bacolod-Manila

5J901 Manila-Caticlan (Boracay)

5J902 Caticlan (Boracay)-Manila

5J553 Manila-Cebu

5J554 Cebu-Manila

5J325 Manila-Legazpi

5J326 Legazpi-Manila

5J506 Manila-Tuguegarao

5J507 Tuguegarao-Manila

5J659 Manila-Tacloban

5J660 Tacloban-Manila

5J379 Manila-Cagayan de Oro (Laguindingan)

5J380 Cagayan de Oro (Laguindingan)-Manila

5J487 Manila-Bacolod

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?