148

Jan 31, 2020 @ 16:47
By

Ilang flight attendant takot madestino sa China

Isa sa may pinadelikadong ma-expose ngayon sa novel coronavirus bukod sa mga doktor at medical staff ay ang mga flight attendant.

Sa kanilang trabaho, iba’t ibang lahi ang kanilang nakakasalamuha, at dahil dito’y hindi sigurado kung infected na ba ang kanilang mga nakakasalubong sa kani-kanilang mga flight.

Sa report ng ABS-CBN News, ilang flight attendant ang nagbahagi ng kanilang mga karanasan tungkol sa nCoV outbreak.

Isa Pinay na flight attendant ang nagkaroon umano ng flight nang kailanganing mag-assist sa isang pasahero na nanginginig sa lamig kaya’t kinakabahan lalo’t hindi nila batid kung natamaan ng virus ang tinutulungan.

Dahil dito’y extra ingat ang mga flight attendant na nagdadala ng personal na face mask at sanitizer para proteksyon sa virus.

Ang AirAsia ay nagbigay ng mga mask at sanitizer sa lahat ng kanilang crew para mapanatili ang kaligtasan ng mga ito, habang ang Philippine Airlines at Cebu Pacific naman ay nilimitahan na ang mga biyahe patungong China.

Samantala, ilang flight attendant naman umano ang nag-file ng leave sa takot na ma-assign sa China dahil sa pangamba ng novel coronavirus.

Hiling pa ng isa na sana’y kanselahin muna ang mga flight patungong China hangga’t hindi nakahahanap ng paraan para ma-disinfect nang mainam ang mga aircraft dahli aniya, isa umano ang mga eroplano sa pinakamaruming lugar kahit hindi pa tumatama ang virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?