105

Mar 26, 2020 @ 13:44
By

Ilang empleyado na-quarantine: Koko Pimentel nag-grocery pa sa S&R

Hindi lang sa Makati Medical Center nagtungo si Senador Koko Pimentel, na nalamang nagpositibo sa COVID-19 noong March 24 ngunit nakaramdam na ng sintomas ilang araw na ang nakararaan.

Sa pahayag ng S&R, isang membership shopping store, nakita pa umano nila sa kanilang CCTV footage na nag-grocery pa ang senador sa kanilang branch sa Bonifacio Global City sa Taguig noong March 16.

“It was confirmed that the senator was at S&R BGC on March 16, 2020. CCTV footage showing him checking out at counter 13 at exactly 1:59 pm,” ayon sa pahayag.

Dahil dito’y kanila nang pinag-utos na mag-quarantine muna ang mga empleyado na nakalapit kay Pimentel, at nag-disinfect na rin para makaiwas sa coronavirus.

“We would like to assure S&R members that we are taking measures to maintain the safety of our members,” saad pa sa pahayag.

Matatandaan na sinabihang ‘reckless’ o pabaya si Pimentel ng Makati Med matapos na pumunta pa rin sa kanilang ospital para samahan ang misis na manganganak kahit pa may sintomas na ito ng virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?