192

Mar 2, 2020 @ 15:26
By

Ilang empleyado hinostage sa San Juan mall

Ilang empleyado ng V-Mall, Greenhills Shopping Center sa San Juan ang kumpirmadong hinostage ng dating guwardiya ng naturang mall.

Dinala na rin umano sa ospital ang isa pang security guard na nabaril ng suspek.

“We have confirmed reports of an ongoing incident in Greenhills, involving a hostage taking of some of our employees by a former SASCOR (Safeguard Armor Security Corporation) security guard. A fellow security guard was injured, but has already been brought to the hospital,” wika ng Greenhills Center Management (GCM) ngayong Lunes, Marso 2, 2020.

Una nang sinabi ni San Juan Mayor Francis Zamora na ayon sa pulisya, nasa 30 katao ang hinostage sa administration office ng Virra Mall.

Ni-lockdown na ang V-Mall matapos magkaroon ng komosyon at makarinig ang mga awtoridad ng putok ng baril sa loob ng gusali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?