48

Nov 2, 2017 @ 13:27

Ilang domestic flights kanselado dahil sa sama ng panahon

Kanselado ang ilang domestic flights ngayong araw (Nobyembre 2) dahil sa masamang panahon.

Ayon sa Media Affairs Bureau ng Manila International Airport Authority, kanselado ang sumusunod na byahe ng Cebu Pacific:

5J 504/505 Manila-Tuguegarao-Manila
5J 506/507 Manila-Tuguegarao-Manila

Inaabisuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa Cebu Pacific o sa kanilang travel agency para sa pagpapabago ng petsa ng kanilang byahe. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?