33

Oct 30, 2017 @ 13:14

Ilang domestic flights, kanselado dahil sa masamang panahon

Kinansela ang walong domestic flights mula sa Maynila patungo sa Cagayan at Isabela mula kaninang umaga dahil sa masungit na panahon.

Batay sa abiso ng Media Affairs Bureau ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang mga sumusunod na biyahe:

Cebu Pacific

5J 506 / 507 – Manila-Tuguegarao-Manila

5J 196 / 197 – Manila-Cauayan-Manila

5J 504 / 505 – Manila-Tuguegarao-Manila

PAL Express

2P 2014 / 2015 – Manila-Tuguegarao-Manila

Sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may low pressure area (LPA) sa intertropical convergence zone (ITCZ) na magpapaulan sa Palawan at Mindanao partikular sa CARAGA, Davao at SOCCSKSARGEN. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?