33

Jan 4, 2019 @ 17:17
By

Ilang domestic flights kanselado dahil sa masamang panahon

Kanselado ang ilang domestic flights ngayong araw mula sa Maynila dahil sa masamang panahon sa destinasyon.

Sa flight advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA) kaninang alas-tres ng hapon, kanselado ang mga sumusunod:

NAIA Terminal 2

PAL Express

*2P 2773 / 2774 – Manila-Tagbilaran-Manila

NAIA Terminal 3

Cebu Pacific (5J)

*5J 621/622 – Manila-Dumaguete-Manila

NAIA Terminal 4

Cebgo (DG)

*DG 6843/6842 – Manila-Siargao-Manila

Ang mga pasahero ng kanseladong flights ay pinapayuhan na makipag-ugnayan sa airline company o sa kanilang travel agency para sa refund o rebooking.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?