44

Oct 29, 2018 @ 17:02
By

Ilang domestic flight, kanselado dahil sa bagyong Rosita

Nadagdagan pa ang mga kanseladong domestic flight dahil sa masamang panahon.

Sa pinakahuling abiso ng Manila International Airport Authority, kanselado ang sumusunod:

PAL Express (2P)

2P 2198/2199 MANILA-LAOAG-MANILA

Cebu Pacific (5J)

5J 504/505 MANILA-TUGUEGARAO-MANILA

5J 506/507 MANILA-TUGUEGARAO-MANILA

Cebgo (DG)

DG 6009/6010 MANILA-BASCO-MANILA

Sky Jet Airlines (M8)

M8 816/817 MANILA-BASCO-MANILA

Para bukas, Martes, sinabi ng Cebu Pacific na kanselado ang sumusunod:

• 5J 504/505 Manila-Tuguegarao-Manila

• 5J 506/507 Manila-Tuguegarao-Manila

• 5J 196/197 Manila-Cauayan-Manila

• DG 6009/6010 Manila-Basco-Manila

Sa mga pasaherong apektado ng kanselasyon ng mga flight ng Cebu Pacific, pinapayuhan na huwag nang pumunta sa paliparan.

Buksan na lang umano ang ‘Manage Booking’ para sa rebooking, refund o pagsasalin sa Travel Fund ng ibinayad sa tiket sa eroplano.

Para sa mga flight na patungo at manggagaling sa Cauayan at Tuguegarao sa Oktubre 31 hanggang sa Nobyembre 1 at 2, antabayanan ang mga announcement bukas ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?