29

Feb 23, 2021 @ 15:25
By

Ilang delivery rider proteksiyunan – Lapid

Naghain si Senador Manuel “Lito” Lapid ng isang panukala na naglalayong protektahan ang mga rider na nagde-deliver ng mga pagkain at grocery item sa kanilang mga kustomer.

Ang panukalang ito ni Lapid ay nakapaloob sa Senate Bill 1677, o “Food and Grocery Delivery Services Protection Act na tinalakay ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entreprenuership.

Sa kanyang sponsorship ng panukala, nanawagan si Lapid sa Department of Trade and Industry (DTI) na tingnan ang mga kaso ng pagkansela ng mga food delivery.

Sabi ni Lapid, maraming mga kustomer ang nakadepende na sa food delivery sa gitna stay-at-home order sa panahon ng COVID-19 pandemic subalit may mga pagkakataon na may mga kustomer ang nagtatago kapag dumating na ang kanilang mga order.

“Ito ay napapanahon at maraming nanloloko sa ating mga consumer lalong-lalo na itong mga driver. Hindi naman pala totoong umo-order, kawawa naman. Napeke sila, ititinda na lang sa mga kanto-kanto para mabili,” sabi ni Lapid.

“Siguro dapat mabigyan ng pansin ito dahil ang mga Grab rider natin ay kawawang-kawawa naman sila. Sila ay naghahanap-buhay at kokonti lang ang kinikita,” dagdag nito.

Tugon naman ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, nag-isyu na ang kagawaran ng mga advisory sa publiko na ireklamo ang mga insidente ng “no show” ng ilang mga buyer.

“We made advisories to make sure to take screenshots of the calls that were made or the text messages that were sent to them by the purported buyer. Tapos if they are willing and ready to execute a sworn affidavit to this effect, they can bring it to the DTI,” sabi ni Castelo.

Sa panig naman ni Nocka Hosaka, spokesperson ng Grab, Agosto 2020 palang ay gumawa na nilang ng bagong polisya kung saan ang mga rider ay hindi kailangang mabigya ng advance payment sa mga merchant para inorder ng kanilang mga kustomer.

“Nag-start kami, gradual yan, wherein our merchant partners or yung mga restaurants, diretso na ang payment sa kanila ng mga nag-oorder, wala nang nilalabas na pera ang ating mga riders,” sabi ni Hosaka,

Sinabi naman ni FoodPanda public affairs manager Rose Romero na hindi nagbibigay ng casgh advance ang kanilang mga rider dahil direkta sa mga merchant ang payment sa mga inorder ng kustomer.

“Sa Food Panda, the system is we have an established device that is provided to our partner establishments and yun ang kumukuha ng orders na binibato ng app from customers. From there, diretsong pine-prepare. So hindi na kailangan pumunta ng rider doon para mag-order or even magbayad,” ani Romero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?