By

Ilang colorum na van, naharang sa Paco, Maynila

Sharing is caring!

Hindi nakalusot sa mga operatiba ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT ang ilang kolorum na van na ginagamit na pampasaherong sasakyan sa Paco, Maynila kaninang umaga.

Ayon sa operatiba, nagkataon lamang na sila ay dumadaan sa kahabaan ng San Marcelino nang mapuna ang sunud-sunod na van na tinted ang salamin.

Agad nilang binuntutan ang nasabing mga van at pagdating sa harap ng headquarters ng Manila Police District sa United Nations Avenue ay saka nila pinara ang mga ito.

Sa pagtatanong ng mga tauhan ng I-ACT, inamin naman ng mga driver ng van na sila ay colorum na may rutang Tayuman, Sta, Cruz, Maynila patungong Buendia.

Dahil pawang kolorum, tiniketan ng I-ACT ang mga ito at dito nadiskubre ang isa sa mga tsuper na retiradong pulis.

Dinala sa impounding area sa lungsod ng Marikina ang mga hinarang na sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?