724

Nov 21, 2021 @ 10:43
By

Ilang Chinese ship umatras sa Ayungin Shoal

Umatras na ang ilang barko ng China sa Ayungin Shoal kung saan hinarang ng mga ito ang supply boat ng Pilipinas noong nakaraang linggo.

Hindi bababa sa 2 barko ng China na lamang ang natitira nitong Linggo, ayon sa pahayag ni commander of the Armed Forces of the Philippines’ Western Command (WesCom) Vice Admiral Roberto Enriquez sa Dobol B TV.

Noong Nobyembre 16, matatandaang ang mga supply boat ng Pilipinas ay binomba at hinarass ng Chinese Coast Guard.

Samatala, nagpahayag naman ng suporta ang US, Japan at Australia kaugnay sa pangha-harass ng barko ng China sa West Philippine Sea. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?