95

Ilang Chinese hinuli dahil sa paninigarilyo

Sinita at dinakip ng mga awtoridad ang ilang Chinese sa Makati City nitong Biyernes dahil sa paninigarilyo sa bawal na lugar.

Huli habang nagyoyosi ang mga Chinese sa Valero Street sa kabila na may nakalagay na “No Smoking” sign.

Samantala, nang magtungo ang kapulisan sa Burgos Street sa Poblacion, isang banyaga naman ang naaktuhang nanunuhol sa isang pulis ng P3,000 para pakawalan ang kanyang kaibigan na dinakip din dahil sa paninigarilyo.

Sasampahan ito ng kasong corruption of a public official na may multang P20,000. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?