23

Oct 3, 2017 @ 12:21

Ilang Caloocan police kakasuhan ng grave neglect of duty

Mahaharap sa kasong grave neglect of duty ang mga pulis Caloocan na hindi makaka-kumpleto ng 30 araw na retraining course sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police chief Ronald dela Rosa sa isang briefing matapos humarap sa mahigit isang libong pulis Caloocan na nagsimula sa kanilang retraining noong Lunes.

Nilinaw ni Dela Rosa na hindi parusa ang pagsasilalim sa retraining ng mga pulis, kundi pagkakataon na binibigay ng PNP sa mga pulis upang mapahusay ang kanilang sarili.

Ang training ay binubuo ng mga lecture at practical exercises na sesentro sa values formation, maliban sa una nang inihayag na pag-review sa tamang police operational procedures.

Samantala, sinabi ni Dela Rosa na proud pa rin siya sa Caloocan police dahil sa kanilang pangkalahatang tagumpay sa war on drugs kahit na nasangkot ang ilan sa mga ito sa kontrobersiyal na kaso tulad nang nagyaring kina Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?