355
escaped-prisoners
By

Ilang bilanggo nakatakas sa kulungan sa Bacoor

Pinaghahanap na umano ang nasa mahigit 20 preso na nakapuga sa nangyaring jailbreak sa kulungan sa Bacoor, Cavite ngayong hapon.

Ayon sa report, isang jail guard umano ang maghahatid sana ng bilanggo pabalik ng selda matapos kuhanan ng mugshots pero sinamantala ito ng ibang preso at itinulak ang gate ng selda para makatakas dakong alas-5:15 ng hapon.

Mukha umanong planado ang jailbreak dahil nakaposisyon na ang mga preso sa bukana ng selda nang mangyari ang insidente.

May mga kaso umano kaugnay ng iligal na droga ang mga nakatakas na preso pero hindi naman umano high-profile personalities ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?