38

Jan 16, 2021 @ 9:30

Ilang bahay sa Taytay natusta

Ilang bahay sa Taytay, Rizal ang natusta matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Bgy. Dolores kaninang madaling-araw.

Ayon sa ulat, nasa sampung bahay ang naitalang naabo dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Dahil dito, apektado ang 30 hanggang 50 pamilya ng naturang lungsod.

Ayon sa chairman ng baranggay Dolores, napabayaang kandila ang maaaring naging sanhi ng sunog.

Wala raw kasing kuryente ang naturang bahay na pinagmulan ng sunog.

Agad namang to the rescue ang mga kawani mg Bureau of Fire Protection – Taytay upang maapula ang apoy.

Ganap na naapula ang apoy 6:28 ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?