22

Jan 12, 2021 @ 16:59
By

Ilang bahagi ng Southern Leyte lubog sa baha

Lumubog sa baha ang ilang baranggay sa Southern Leyte dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan na nararanasan din ng Eastern Visayas dala ng tail end of the frontal system.

Nagsagawa naman ng mga rescue operation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Silago, Southern Leyte sa mga residenteng na-trap sa kani-kanilang mga bahay.

Ayon sa ulat, nailikas din ang mga alagang hayop ng mga residente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?