194

Nov 8, 2019 @ 16:22
By

Ilang bahagi ng EDSA, lalong bibigat ang trapiko dahil sa re-blocking

Makararanas ng matinding trapik ngayong weekend ang mga motorista dahil isasara ang ilang kalsada sa Kalakhang Maynila bunsod ng isasagawang road re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sisimulan ngayong Biyernes hanggang sa Lunes ng umaga (Nobyembre 11).

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga apektadong lugar sa road re-blocking ay ang Southbound ng EDSA Camp Crame Gate 1 hanggang pagkatapos ng Annapolis St.; EDSA pagkatapos ng Muñoz hanggang Bansalangin St. (1st lane from sidewalk) at G. Araneta Bayanin intersection.

Apektado din ang Westbound ng Quirino Highway Nightingale to Zabarte Road (inner lane) at General Luis St. from Samonte St. hanggang SB Road.

Gayundin ang Eastbound Elliptical Road pagkatapos ng Maharlika St. (6th lane from outer sidewalk).

Kabilang din ang Northbound ng A. Bonifacio Avenue malapit sa Marvex Drive (2nd lane from sidewalk); Katipunan Ave./C-5 tapos ng CP Garcia St. harapan ng UP Town Center (truck lane) at EDSA sa Aurora Blvd. hanggang New York St. (3rd lane from sidewalk).

Magsasagawa rin ng road re-blocking sa Congressional Avenue Extension panulukan ng Luzon Avenue (2nd lane from center island) at pagkatapos ng Tandang Sora Avenue (truck lane); Luzon Avenue bago mag Congressional Avenue Ext. (1st lane from center island) at R. Magsaysay Blvd. Magsaysay Bridge patungong Quiapo (inner lane).

Sinabi ng MMDA ang lahat ng nabanggit na mga lugar ay maaaring madaanan ng alas-5:00, umaga ng Lunes.

Kung kaya’t payo ng MMDA sa mga motorista na hangga’t maaari ay iwasan ang nabanggit na mga lugar upang hindi maabala sa kanilang pupuntahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?