222

Apr 10, 2019 @ 16:34
By

Ilang bahagi ng Bulacan, Cavite naperwisyo ng brownout

Sa kabila ng paniniguro ng Department of Energy (DOE) na hindi na kailangan ng rotational service interruptions kahit pa mataas ang demand kumpara sa electricity supply, nakaranas pa rin ng mga brownout sa ilang parte ng Bulacan at Cavite nitong Miyerkoles.

Ayon sa Meralco, naranasan ang kawalan ng kuryente dakong ala-1:14 ng hapon sa Malolos, Plaridel, Bustos at Guiguinto sa Bulacan maging sa Tagaytay, Alfonso, Indang, Maragondon, Mendez sa Cavite.

Kaninang alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga inanunsiyo ang red alert notice, na ibig sabihin ay lumagpas ang demand sa available na power generating capacity ng mahigit 200 megawatts.

Nag-isyu rin ng yellow alert kung saan ang projected demand ay nag-iwan sa reserve generation capacity ng mas mababa sa 647 MW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?