210
Ilan pang opisyal ng gobyerno, nakatakdang sibakin ni Duterte
Mar 13, 2019 @ 19:46
By

Ilan pang opisyal ng gobyerno, nakatakdang sibakin ni Duterte

Mayroon na namang nakalinyang sibakin na mga opisyal si Pangulong Rodrigo Duterte.

Inanunsiyo ng Pangulo sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cauayan City, Isabela ang panibagong grupo ng mga opisyal na nakatakda nitong sibakin sa puwesto dahil sa korapsiyon.

Sinabi ng Pangulo na wala siyang magagawa kundi sibakin ang mga ito dahil hindi sumunod sa kanyang patakaran sa gobyerno.

“I will be firing another set of officials. I’m sorry. Mahirap. ‘Yan lang ano ko if you want to help me run the government at ‘yung programa ko,” anang Pangulo.

Gayunman, hindi nagbigay ng dagdag na detalye ang Pangulo kung sino ang mga opisyal na nakalinyang masibak sa puwesto.

Malinaw ang patakaran ni Pangulong Duterte sa lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na ayaw nito ang katiwalian kaya kahit alingasngas lamang ng korapsiyon ay agad na sisibakin ang opisyal na sangkot dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?