35
bylines-milky-rigonan
By

Ilan pang mga amiyenda

Sharing is caring!

May amendments ang ilang Senador sa sandaling iprisinta sa plenaryo sa Mayo ang committee report ng Blue Ribbon Committee sa Dengvaxia controversy.

Ayon kay Senator JV Ejercito, kumbinsido siya na guilty si dating Pangulong Noynoy Aquino sa negligence dahil hindi nito ipinatupad ang due diligence nang aprubahan ang procurement ng P3.5-billion na halaga ng Dengvaxia.

Pero di sang-ayon si Ejercito sa rekumindasyon ng Blue Ribbon Committee na kasuhan ng graft ang dating Pangulo.

Sa ngayon, bukod kay Gordon at Ejercito, si Senator Migz Zubiri pa lang ang pumirma sa draft committee report.

Inaasahan na ngayong linggo, pipirma din sina Senate President Protempore Ralph Recto at Senator Gringo Honasan dahil ang ibang mga Senador ay nasa abroad pa.

17 ang miembro ng Blue Ribbon Committee at kailangan lang ang 9 hanggang 10 pirma para pagtibayin ang mga rekumindasyon ng kumite na pwedeng gawin din basehan ng Office of the Ombudsman sa pagsasampa ng kaso laban sa mga dating opisyal ng Aquino administration at ng DOH.

Buwelta ng mga kaalyadong Senador ni Aquino sa Liberal Party, cover-up umano ang draft committee report para daw pagtakpan ang mga kontrobersiya sa Duterte administrasyon gaya ng pagpapasara ng Boracay island, ang kontrobersiyal na utos ng Pangulo sa Kamara na madaliin ang impeachment process laban kay Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno, patuloy na pagtaas ng mga bilihin at iba pa.

Bukod pa dito ang angal ng ilang Senador na inuna ang media na makakuha ng kopya ng draft committee report sa halip ang mga miembro ng kumite.

Pero depensa ni Gordon, malinaw sa timeline ng imbestigasyon ang mga pagkukulang hindi lamang ni Aquino kundi minadali nina dating Health Secretary Janet Garin at Budget Secretary Butch Abad ang pagbili ng mga bakuna kahit hindi pa 100 percent ang efficacy nito kontra dengue.

Pinanindigan ni Gordon na dapat may managot dahil dapat malinaw ang konsepto ng command responsibility.

Bukod sa P3.5-B ang pondong inilaan sa procurement ng Dengvaxia mula sa taxpayers money, libo-libong kabataan ang nalagay sa panganib ang kalusugan.

Sana lang sa mga ipapasok na amendments, madiin ang Sanofi Pasteur. Malabo at hindi naidetalye sa draft committee report ng Blue Ribbon Committee ang accountability ng Sanofi.

Dapat pagtibayin na rin ng Kongreso ang release ng P1.6-B na ni-refund ng Sanofi para magsilbing standby fund sakaling kailanganin at magsilbing financial assistance at pagpapagamot sakaling magkaroon ng kumplikasyon ang ilan sa libo-libong mga bata na naturukan ng Dengvaxia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }