20

By

Ilagan, San Sebastian lumapit sa semifinals

Nakatitiyak na ang San Sebastian College Stags sa playoff para sa semifinals matapos silang akbayan nina RK Ilagan at Allyn Bulanadi sa 85-82 panalo laban sa Arellano University Chiefs sa Season 95 ng NCAA men’s basketball tournamentt Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Kumayod si Ilagan ng 20 points habang bumakas si Bulanadi ng 19 markers para sa Stags na may 10-7 karta, tumibay ang kapit sa No. 4 spot sa team standings.

Nasa No. 5 ang Mapua University tangan ang 9-8 record, malilibre sa semifinals ang San Sebastian kapag natalo ang Cardinals sa kanilang huling laro.

Malaki ang porsiyentong lalaro ang Stags sa susunod na phase dahil manalo lang ang laban nila sa Perpetual Help ay abante na agad sila at tuluyan nang magbabakasyon ang Cardinals.

“I just hope we win so that we can go automatic sa Final Four,” ani SBC coach Egay Macaraya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?