209

Sep 12, 2018 @ 13:08
By

Ilabas ang intelligence report sa planong pagpapatalsik – Joma Sison kay Duterte

Hinamon ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas nito ang dimanoy intelligence report na hawak patungkol sa planong pagpapatalsik sa pangulo kasama ang Liberal Party at si Senador Trillanes IV.

Pinabulaanan muna ni Sison ang tinuran ni Duterte patungkol sa planong ‘ouster’, sinaad na hindi nakikipag-usap ang kanilang kampo sa LP maging kay Trillanes.

“The broad united front promoted by the CPP against the Duterte tyranny is open to all patriotic forces. But as far as I know, there are yet no talks between the CPP and Trillanes group or the Liberal Party,” sambit ni Sison.

Para umano mapatunayan ito ng inilarawan niyang ‘congenital liar’ o sinungaling mula ipinanganak si Duterte, kailangan daw ilabas nito ang sinasabing intelligence report na galng pa sa foreign government na sinabi ni Digong sa tete-a-tete kay Panelo ay maaring ma-declassify sa lalong madaling panahon.

“Duterte is lying and bluffing by claiming that there are recorded conversations provided by a foreign government,” ani Sison.

“I challenge him to present publicly what he claims as recorded conversations. The experts will easily expose the fakery if he dares to present anything. This could be something like his invented foreign bank accounts of Trillanes,” dagdag pa niya. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?