62

Oct 25, 2021 @ 15:53
By

Ilabas ang ebidensya! Jayke Joson rumesbak kina Rama, Pacquiao

“Back up all their accusations, otherwise, I will sue them in court.”

Ito ang mainit na pahayag ni Frontliners party-list nominee Jayke Joson laban kay Annabelle Rama at sa kampo ni Senador Manny Pacquiao.

Ito ay kaugnay ng mga banat ni Rama sa Twitter kung saan sinabi nito na ninakawan daw ni Joson at ng isang Arnold Vegafria ng P140 milyon si Pacquiao.

Si Joson ay dating malapit na kaibigan ng Pambansang Kamao.

Dinepensahan na ni Joson ang sarili sa paratang ni Rama at sinabing ang nasabing halaga ay hindi niya ninakaw bagkus ay komisyon niya kay Pacquiao.

Samantala, ang kampo naman ni Pacquiao ay sasampahan ng kasong cyber libel si Joson, kaugnay ng pahayag nito na tinakbuhan umano sila ng boxer-senator matapos makuha ang P165 milyon sa naudlot niyang laban kontra kay Conor McGregor.

Kaya ang hamon ni Joson, maglabas ang kampo nina Rama at Pacquiao ng matibay na katibayan sa mga akusasyon sa kanya.

“I am challenging her, as well as (Pacquiao’s lawyer and spokesperson) Nikki de Vega, to back up all their accusations, otherwise, I will sue them in court,” wika ni Joson. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?