32

Sep 24, 2020 @ 14:26

Ikaw na lang sumusweldo! Kabayan Noli be sensitive naman – direktor

riley cea

Tumugon ang isang TV director sa patutsada ni “Kabayan” Noli de Castro sa mga nag-ober da bakod na Kapamilya matapos pagkaitan ng Kamara ng prangkisa ang ABS-CBN.

“Ako totoo ang sinasabi ko kaya Kapamilya forever. Iyong iba eh nagsasabi, hindi naman pala forever. Wala naman forever kasi,” ang naunang sambit ni De Castro.

Kabilang sa mga kilalang personalidad sa ABS-CBN na lumipat na ng network sina Pokwang, Jessy Mendiola, Ted Failon, Anthony Taberna at Gerry Baja.

“Noli De Castro gusto din naming maging Kapamilya forever kaso ikaw na lang ang sumusweldo eh,” tweet ngayong Huwebes ni direk Willy Cuevas, na nakasaad na creative manager ng ABS-CBN.

“Be sensitive naman,” aniya pa.

Sa report ng Bilyonaryo, tinatayang 90 percent ng Kapamilya staff ang kinailangang pakawalan dahil sa ABS-CBN shutdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?