8

By

Ikatlong titulo kinalawit ng Arellano sa NCAA track and field

Sharing is caring!

Kumalawit ng gold medal sa 4×400-meter relay ang Arellano University sa pangunguna ni Christian Milano upang sikwatin ang pangatlong sunod na titulo sa seniors’ division ng 93rd NCAA track and field championship noong Lunes sa Philsports Oval, Pasig City.

Itinodo nina Milano, Reynaldo Gimoto, Christian Traje at Billy Boy Endrina ang kanilang lakas upang mahablot ang gold matapos irehistro ang tatlong minuto at 25.05 segundo.

Nakalikom ang Chiefs ng total 802.5 points sapat para makopo ang third straight title at ungusan ang Mapua University at Jose Rizal University na tumapos ng second at third place sa tinalang 640.5 at 370 points, ayon sa pagkakasunod.

Ang nasabing event ay inorganisa ni Frank Gusi ng Perpetual Help.

Hinablot ni Milano ang 400m hurdles gold habang sumilo rin ng gold ang mga pambato ng Arellano na sina Aristeo dela Pena (long jump) at John Carlos Corpuz (discus throw).

Pangatlong seniors crown ng AU ngayong season matapos nilang manalo sa women’s volleyball at women’s badminton.

“We are now reaping the fruits of a reinvigorated program and hopefully, we will go for a four-peat next season,” saad ni Peter Cayco, AU’s Management Committee representative.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?