12

Nov 17, 2020 @ 13:45
By

Ikatlong pinakamatandang football club binili ni `Deadpool’ actor Ryan Reynolds

HAWAK na ngayon ni Hollywood star Ryan Reynolds ang isa sa world’s oldest football team matapos niya itong bilhin.

Kasama ni “Deadpool” star Ryan ang kapwa actor na si Rob McElhenney sa pagbili ng 156-taong football team na Welsh club Wrexham.

Sa proposal ng dalawang sikat na actor sa Wrexham Supporters Trust ay binanggit nilang oras na makumpleto na ang takeover ay popondohan nila ng $2.5 million o katumbas ng higit P120 milyon ang koponan.

Ayon kay `Deadpool,’ maituturing na `sleeping giant’ ang Wrexham, na ikatlo sa oldest professional football club sa mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?