5
ABANTE phivolcs mayon volcano phreatic eruption
By

Ikatlong pagputok ng Mayon, naitala ng Phivolcs

Sharing is caring!

Muling na namang pumutok ang Mount Mayon kung saan nagbuga ito ng usok at abo kanina, pangatlo sa naitala sa loob ng 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)

Sa Twitter account ng PHIVOLCS, ang pangatlong phreatic eruption ay naitala kanilang 11:43 umaga.

Naramdaman ng mga residente ng Camalig, Albay ang pagbuga ng abo.

Nauna rito, naitala ng PHIVOLCS ang ikalawang pagsabog alas- 8:49 ng umaga kanina kung saan tumagal ito ng limang minuto.

Ang unang pagputok noong Sabado ng hapon na tumagal ng isang oras at 45 minuto. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?